Nakipagpulong po tayo kay DSWD NCR Regional Director Michael Joseph Lorico tungkol sa NCR Rollout ng Makabata Helpline 1383. Ang DSWD NCR Field Office po ay kaagapay ng Council for the Welfare of Children sa pagsisiguro na protektado ang karapatan ng ating mga kabataan at madaliang lunas o intervention ang kanilang natatanggap sa oras ng krisis o pangangailangan.