๐๐‘๐„๐’๐’ ๐’๐“๐€๐“๐„๐Œ๐„๐๐“ | Pagkamatay ng isang 7-taong gulang na bata sa Quezon, kinundena ng CWC!

Tahasang kinukondena ng ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐–๐ž๐ฅ๐Ÿ๐š๐ซ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง (๐‚๐–๐‚) ang pagkamatay ng isang 7 taong gulang na batang babae sa Atimonan, Quezon. Ayon sa ulat ng kapulisan, ang batang biktima diumano ay naka silid sa sako, wala ng buhay, at ginahasa pa bago pinaslang.

Ang CWC ay nagpa-paabot ng taus pusong pakikiramay sa pamilya at sa mga naulila ng batang biktima. Mariin kaming nananawagan sa ating kapulisan na tugisin at hulihin ang kriminal na gumawa ng karumal-dumal na krimen upang mabigyang katarungan ang pagkamatay ng nasabing bata.

Pinababatid naming sa lahat na mayroong CWC Makabata Helpline 1383 na agarang matatawagan para isumbong ang mga kaso ng pang-aabuso at karahasan sa bata maging ito man ay pisikal, sikolohikal, o sekswal. Naka-handa ang ang aming mga social workers at abogado para sa inyong sumbong at pangangailangan. Apat na numero lang sa inyong telepono ang dapat tandaanโ€” 1-3-8-3. Ang Makabata Helpline ay handa pong tumugon sa inyong mga idudulog.