PRESS STATEMENT

Tahasang kinukundena ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang malagim na pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na batang babae sa kamay diumano ng kanyang kapitbahay. Panawagan po namin sa lahat na, ang mga bata ay dapat mahalin, kalingain at protektahan sa pang aabuso at sa pagsasamantala.

Ang CWC, bilang pambansayang ahensiya ng pamahalaan na nagtataguyod ng karapatan ng bawa’t batang Pilipino, ay masigasig na nag babantay at gumagawa ng mga hakbang upang tuluyan ng matigil nag karahasan sa mga bata. Maari po kayong sumangguni at dumulog sa aming MAKABATA HELPLINE 1383 kung saan, ang aming social worker at abugado ay handang tumulong at tumugon sa anumang isyung pambata, kasama na ang pang-aabuso at karahasan, maging ito man ay seksual, pisikal at sikolohikal.

Nanawagan po kami sa mga magulang na tupdin ang kanilang tungkulin na bantayan at protektahan ang kanilang mga anak. Nanagawagan din po kami sa mga kasapi ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at iba pang frontliners na maging mapagmasid sa mga paglabag sa karapatan ng bata at siguraduhing ang mga ito ay ma ireport sa mga kinauukulan para matugunan o malapatan ng nararapat na lunas.