Kahapon din ay dumalo tayo sa capacity building seminar ng Council for the Welfare of Children at Stairway Foundation para buuin ang lalamanin at mga proseso sa gagawin nating Child Protection Policy para sa mga Local Government Units.
Kailangan ang isang maliwanag at matibay na Child Protection Policy para po masigurado na protektado ang mga bata sa karahasan, pang-aabuso, at iba pang mga panganib. ❀️