𝐂𝐞𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧’𝐬 𝐍𝐞𝐰𝐬 𝐑𝐞𝐜𝐚𝐩 𝐟𝐨𝐫 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚 𝐓𝐞𝐥𝐞𝐫𝐚𝐝𝐲𝐨 𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 #𝟓𝟕
𝐌𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚, 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐢𝐫𝐞𝐬𝐜𝐮𝐞 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐨𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐬𝐞𝐱𝐮𝐚𝐥 𝐚𝐛𝐮𝐬𝐞 𝐚𝐭 𝐞𝐱𝐩𝐥𝐨𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧! 𝐌𝐠𝐚 𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐨𝐭, 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐚𝐠𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐬!
Kamakailan lamang ay inaresto ng NBI ang isang ina at iba pa nitong mga kasabwat habang aktong ibinebenta ang mga bata online. Ilan sa mga ito ay mismong kanyang mga anak. Dahil sa pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan ay matagumpay na nairescue ang mga ito.
Maraming bata ang nagiging biktima sa iba’t-ibang uri ng eksploytasyon aktwal man o online. Bukod pa rito, may pagkakataon na pati mismo ang kanilang mga magulang o mga kaanak na siyang dapat nagpoprotekta sa kanila ang dahil kung bakit sila ay nadadala sa kapahamakan.
Ang mga ganitong kaso ay patuloy na tinutugunan ng mga awtoridad upang mapanagot ang mga nasa likod nito. Nakabantay rin ang CWC sa pamamagitan ng Makabata Helpline 1383 para sa anumang sumbong para mailigtas ang mga bata.