๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’“๐’Š๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ 14-๐‘ป๐’‚๐’๐’๐’ˆ ๐‘ฎ๐’–๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’† ๐‘ฏ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ต๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ฒ๐’‚๐’๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’‚๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐‘ฒ๐’Š๐’๐’–๐’๐’…๐’†๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’๐’–๐’๐’„๐’Š๐’ ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘พ๐’†๐’๐’‡๐’‚๐’“๐’† ๐’๐’‡ ๐‘ช๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’“๐’†๐’

Mariing kinukundena ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang karumal-dumal na insidenteng nagresulta sa pagkakabaril sa isang 14-taong gulang na babae habang siya ay nag-aaral sa kanyang tahanan. Ipinapahayag namin ang aming lubos na pagkabahala at kalungkutan sa trahedyang ito.

Ang pangyayaring ito ay hindi lamang isang krimen laban sa biktima kundi pati na rin sa lahat ng mga kabataan ng ating bansa. Dapat sana’y ligtas at protektado sila sa kanilang sariling mga tahanan sa lahat ng oras. Ang ganitong uri ng karahasan ay hindi dapat palampasin at dapat panagutin ang mga may sala sa ilalim ng batas.

Hangad ng CWC ang agarang hustisya para sa biktima at ang agarang aksyon mula sa mga kinauukulan upang matiyak na ligtas at protektado ang lahat ng mga kabataan sa kanilang karapatan na magkaroon ng ligtas at mapayapang kapaligiran para sa kanilang pag-aaral at pag-unlad. Nakikiramay ang CWC sa pamilya at mga naulila ng bata.

Basta Bata, Kami ang Bahala!

#MakabataHelpline1383
#ParaSaBata