Source: GMA Integrated News

Nakikiisa ang Council for the Welfare of Children at MAKABATA Helpline 1383 sa pagsaludo sa matapang na hakbang ng National Bureau of Investigation (NBI) Human Trafficiking Division sa pangunguna ni Atty. Olga Gonzales-Angustia sa pag-aresto sa isang lalaki sa Baliuag, Bulacan, na umano’y nagbebenta ng malalaswang larawan at video ng kabataan sa internet.

Ayon sa ulat ni John Consulta sa “24 Oras” ng GMA Network, inabisuhan ng mga awtoridad sa Australia ang NBI tungkol sa suspek, na kinilala ring pinagmulan ng mga Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM) ng isang naarestong Australyano sa Thailand.

Mariin na kinokondena ng MAKABATA Helpline 1383 at ng buong CWC ang lahat ng uri ng pang-aabuso kasama na ang pang aabusong sekswal sa lahat ng mga bata at kabataang Pilipino.

Kami, sa Council for the Welfare of Children kasama ng iba pang ahensya ng pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang labanan ang pang-aabuso sa mga kabataan online o offline at itaguyod ang kanilang karapatan at kaligtasan.

Kung may nalalamang pang-aabuso, pananakit, pagmamalabis, at pagbabaya sa karapatan ng mga bata, agarang tumawag sa MAKABATA Helpline 1383.

Basta Bata, Kami Ang Bahala!

#StopOSAECandCSAEM

#TogetherForABetterInternet