๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ฌ๐š, ๐“๐ข๐ฒ๐š๐ค๐ข๐ง ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ญ๐š!

Mahalagang mamulat nang maaga ang mga bata sa mga pagdiriwang sapagkat parte ito ng ๐ฆ๐š๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐š๐ญ ๐ญ๐ซ๐š๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ. Sa kabilang banda, may kaakibat din na kapahamakan sa mga bata ang mga malalaking pagdiriwang lalo na dahil sa maraming dumadagsang tao, ibat-ibang pagkain, at may mga mapagsamantalang indibidwal.

Ito po ay munting paalala lamang mula sa ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐–๐ž๐ฅ๐Ÿ๐š๐ซ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง upang matiyak ang kaligtasan at karapatan ng mga bata sa mga pagkakataong kayo ay dadalo sa mga pagdiriwang:

1. Huwag hayaang pumunta sa malalaking pagdiriwang ang mga bata mag-isa, siguraduhing sila ay may kasamang matanda.
2. Huwag makipagsiksikan sa maraming tao.
3. Siguraduhing protektado ang mga bata sa matinding init o pag-ulan, magbaon ng payong o sombrero at jacket tuwina.
4. Siguraduring kayo ay may bitbit na malinis at ligtas na inuming tubig.
5. Maging mapanuri sa mga pagkaing bibilhin at kakainin.
6. Maging alerto sa iyong paligid at โ€˜wag basta-bastang magtitiwala lalo na kung hindi mo kilala ang iyong katabi.
7. Sensitibo pa ang tainga ng mga bata kaya naman, mainam na โ€˜wag pumuwesto malapit sa mga malalaking speakers at โ€˜wag silang ibabad sa sobrang lakas na sounds.
8. Magdala ng simpleng first aid kit in case of emergency at alamin kung saan ang pinakamalapit na first aid booth/tent.
9. Makakatulong ang makulay na damit kung sakaling mawala ang bata sa iyong tabi.
10. Huwag kalimutang maging masaya at ipadama sa bata na mahalaga na masaksihan nila ang mga makasaysayang pagdiriwang.

๐๐š๐ฌ๐ญ๐š ๐๐š๐ญ๐š, ๐“๐š๐ฒ๐จ ๐ฉ๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฅ๐š!

#ParaSaBata
#CWC
#Makabata