Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Council for the Welfare of Children (CWC) sa mga Pamahalaang Lokal ng Metro Manila upang isulong at palawigin ang hangarin ng konsehong mabigyan ng agarang tugon ang mga batang dumaranas ng pang-aabuso, pagbabaya at pananamantala.

Ang ๐‚๐–๐‚ sa pangunguna ni Undersecretary Angelo M. Tapales – Council for the Welfare of Children, katuwang ang Makabata Helpline 1383 ay nagpapasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Quezon City sa pangunguna ng butihing QC Mayor Joy Belmonte sa kanilang pagtalima, pagtugon at pakikiisa sa adbokasiyang ito. Ang lungsod ng Quezon ay lumagda sa isang ๐Œ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ง๐๐ฎ๐ฆ ๐จ๐Ÿ ๐”๐ง๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐๐ข๐ง๐  nuong ika-labinglima (15) ng Nobyembre 2023.

Muli, isang taos puso pong pasasalamat