Kaisa ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa pagdiriwang ng Mental Health Day 2023 na may temang, βMental health is a universal human rightβ.
Bago pa man ang pandemya, 10-20 % na ng mga bata at kabataan edad 0-18 ang nakakaranas ng mental health isyu ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO). Isa sa walong bata at kabataan na may edad 10-19 at isa sa labing-pitong bata na may edad 5-9 ang nakakaranas ng mental health concerns sa Pilipinas. Ang mga alalahaning ito ay nag-uugat mula sa peer victimization, bullying, exposure to violence against children, social isolation, at iba pang mga isyu na mas pinalala ng pandemya.
Kaya naman, sa kabila ng mga ito, patuloy ang pagpupursige ng CWC, katuwang ang ating mga kasamahan mula sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan at Civil Society Organizations, na matugunan ang pangangailangan ng mga batang maprotektahan ang kanilang mental health. Samakatuwid, inilunsad ng CWC ang MAKABATA Helpline 1383, upang magkaroon ng isang nagkakaisang helpline na tumutulong tugunan ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga bata, mapa-karahasan, pang-aabuso o pangkalusugang kaisipan.
Sa darating naman na National Childrenβs Month ngayong Nobyembre, binibigyang diin natin ang kalusugan ng mga bata. Kasama sa ating programa ang pagtalakay at pagbibigay-halaga sa kanilang mental health.
Sa ating pagdiriwang ng World Mental Health Day, panawagan po ng CWC na ating pagtuunan ng pansin ang kanilang pangkalusugang kaisipan β bilang isang mahalagang aspeto ng kanilang karapatan.