๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง

๐‘ท๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ป ๐‘บ๐‘จ ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ท๐‘จ๐‘บ๐‘จ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘จ๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ ๐‘ช๐‘จ๐‘น๐‘ป๐‘จ ๐‘ถ๐‘ญ ๐‘ช๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ซ๐‘น๐‘ฌ๐‘ต ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ผ๐‘บ๐‘ฌ ๐‘ถ๐‘ญ ๐‘น๐‘ฌ๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘ฌ๐‘บ ๐‘ช๐‘ถ๐‘ด๐‘ด๐‘ฐ๐‘ป๐‘ป๐‘ฌ๐‘ฌ ๐‘ถ๐‘ต ๐‘ป๐‘ฏ๐‘ฌ ๐‘พ๐‘ฌ๐‘ณ๐‘ญ๐‘จ๐‘น๐‘ฌ ๐‘ถ๐‘ญ ๐‘ช๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ซ๐‘น๐‘ฌ๐‘ต

Buong-puso pong nagpapasalamat ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa House of Representatives Committee on the Welfare of Children sa pangunguna ni Committee Chairperson Cong. Angelica Natasha Co (Barangay Health Workers Partylist), pati na rin sa mga kasama niyang authors na sina House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Cong. Ferdinand Alexander A. Marcos (1st District of Ilocos Norte), Cong. Yedda Marie K. Romualdez, at Cong. Jude A. Acidre (Tingog Partylist representatives), sa pag-papasa sa komite ng Magna Carta of Children Bill. Taos-pusong pasasalamat din ang pina-aabot ng CWC sa mga kasamahan natin sa kongreso, Civil Society Organizations (CSO), at National Government Agencies na nagbigay ng suporta sa pagsulong ng Magna Carta of Children.

Sama-samang inupuan ang pagbalangkas ng batas na ito at sabay na inihain sa Senado (Senate Bill 2612) at sa Kamara (House Bill 10159) noong Marso 18, 2024. Kahapon lamang ay naaprubahan ang Magna Carta of Children Bill sa House Committee on the Welfare of Children.

Ang Magna Carta for Children ay naglalaman ng komprehensibong batas patungkol sa mga karapatan ng bata na naka-angkla sa United Nations Convention on the Rights of the Child at Presidential Decree No. 603 na naisabatas ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

Ang pagsasabatas nito ay magbibigay-daan upang mapalakas ang misyon ng pamahalaan na pahusayin at protektahan ang mga karapatan ng ating mga kabataan, pati na rin ang pagtataguyod ng Philippine Commission on Children (PCCH).

Para sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino, sama-sama nating isulong ang kanilang mga karapatan!

๐๐š๐ฌ๐ญ๐š ๐๐š๐ญ๐š, ๐Š๐š๐ฆ๐ข ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฅ๐š!

#ParaSaBata