๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ข๐ก: ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐๐ก๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฆ๐๐๐ก๐ง ๐ฃ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฌ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ก๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐๐
๐๐ฒ๐๐ง๐๐ฒ: (๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฌ๐๐๐ง๐ญ ๐๐๐ฏ๐จ๐๐๐ญ๐) “๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฑ๐ฎ๐๐ฅ ๐ก๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ฌ!”
Mga salitang nagmula sa isang kabataan na katuwang ng iba’t ibang sektor na nagsusulong na maisabatas ang panukalang Adolescents Pregnancy Prevention Bill.
Sama-samang tinig na nagmula sa iba’t ibang sektor at ahensya ng gobyerno kabilang ang mga adolescent advocates na katuwang sa panawagang maisulong ang mag-iisang taon nang panukalang batas.
Dinaluhan ito ng ilang ahensya kabilang ang Commission on Population & Development, Department of Education (DepEd), Council for the Welfare of Children (CWC), Philippine Legislative Committee on Population & Development (PLCPD) at Family Planning Organization of the Philippines (PLC – FPOP), mga kabataan, at ilang media networks na magsisilbing tulay upang maipahayag at maipaabot sa ating mga mambabatas ang kahalagahan ng mabilisang pagpapasa ng batas na ito.
Ang nakakabahalang pagtaas ng datos na naiitala sa sunod na ilang taon at ang pabatang edad ng nabubuntis at nagiging batang ina, ang naging hudyat upang maigting na isulong ng ibaโt ibang sektor ang panukalang batas na ito.
Ang Press Conference na ito ay inisyatibo ng sumusunod na Non-Governmental Organizations (NGOs) kabilang ang Save the Children, OXFAM, Young Feminist Collective, SHE – Sexual Health & Empowerment
Ang sama-samang tinig mula sa multi-sectoral at ibaโt ibang ahensya ng gobyerno ang magiging daan sa isang maayos at ligtas ng pamayanan para sa mga kabataan!
Basta Bata, Kami ang Bahala!