π—œπ—‘π—¦π—œπ—šπ—›π—§π—¦ 𝗙π—₯𝗒𝗠 𝗒𝗨π—₯ π— π—”π—žπ—”π—•π—”π—§π—” π—§π—˜π—Ÿπ—˜-π—₯𝗔𝗗𝗬𝗒 π—˜π—£π—œπ—¦π—’π——π—˜ #𝟯𝟭

Sa episode na ito, nakasama natin si Ms. Azucena “Ate Apet” M. Dayanghirang, na Executive Director IV ng National Nutrition Council (NNC). Ang ahensya na ito ang namumuno sa pagbuo ng mga polisiya at mga programa tungkol sa nutrisyon para sa buong bansa.

πŸ“ƒβœ’ Ang Philippine Plan of Action for Nutrition or PPAN ay nagsisilbing β€œmain blueprint” o basehan ng bansa para makamit ang sapat na nutrisyon para sa lahat ng mga Pilipino.

πŸ€”πŸ“Œ Nalaman natin na ilan sa mga hinaharap na mga isyu ng nutrisyon sa bansa ay ang stunting na maaaring matutukan gamit ang 1000 days of life strategies kabilang ang breastfeeding, at ang malnutrisyon na tinutugunan ng NNC sa pamamagitan ng kanilang programang β€œTutok Kainan”.

🍽πŸ₯— Mahalaga na magkaroon ang bawat LGU at municipality ng mga nutritionist at dietician na gagabay sa mga tao upang mas lalong mabantayan at mapangalagaan ang pampublikong kalusugan. Dagdag pa rito, importante rin na maisulong ang paggamit ng β€œPinggang Pinoy” dahil ito ay may kompleto’t tamang nutrisyon tulad ng Go, Grow, at Glow foods na mahalaga para sa ating pang araw-araw na gawain.

πŸ’ͺ🏽🍚 Ang Go foods ay ang mga pagkaing nagbibigay sa atin ng enerhiya katulad ng kanin at tinapay. Samantala, ang mga Grow foods naman ay tumutulong sa pagpapalaki at pagpapatibay ng ating katawan; kasama rito ang mga karne, isda, at itlog. Panghuli, nagdaragdag ng bitamina at mineral ang mga Glow foods (mga gulay at prutas) na siyang nagpapayaman ng ating pangkabuuang nutrisyon at kalusugan.

Maraming salamat sa inyong pakikinig at panonood ng Makabata Tele-Radyo Episode #31 sa Radyo Pilipinas 3.

Abangan ang mga susunod na kwento at impormasyon na ihahatid namin para sa inyo. Kita kits ulit next week, Monday, 4:00PM – 6:00PM!

Huwag kalimutang i-follow ang aming page para sa mga updates at karagdagang impormasyon tungkol sa mga hakbang ng CWC para suportahan ang adbokasiya para sa wastong nutrisyon ng mga bata at ng kanilang mga pamilya.

𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚, 𝐊𝐚𝐦𝐒 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐑𝐚π₯𝐚!

#NutritionMonth

#MakabataTeleRadyo

#ParaSaBata