๐๐ก๐ฆ๐๐๐๐ง๐ฆ ๐๐ฅ๐ข๐ ๐ข๐จ๐ฅ ๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐ ๐ง๐๐๐-๐ฅ๐๐๐ฌ๐ข ๐๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐๐ #๐ฎ๐ฑ
Sa episode na ito, tinalakay natin ang kahalagahan ng universal birth registration. Ang birth registration ay crucial para sa survival rights ng mga bata โ karapatan nilang magkaroon ng pagkakakilanlan, pangalan, nasyonalidad, at karapatang maalagaan ng kanilang pamilya.
Napag-usapan din natin ang pagsasabatas ng Magna Carta for Children. Ito ay isang komprehensibong batas na nagpo-protekta sa karapatan ng mga bata, naka-angkla sa United Nations Convention on the Rights of the Child at Presidential Decree No. 603. Sama-sama itong inupuan at inihain sa Senado (Senate Bill 2612) at sa Kamara (House Bill 10159) noong Marso 18, 2024. Good news: naaprubahan na ito sa House Committee on the Welfare of Children kahapon!
Maraming salamat sa pakikinig at panonood ng Makabata Tele-Radyo Episode 25 sa Radyo Pilipinas 3. Magkita-kita tayo muli sa susunod na Sabado!
๐๐๐ฌ๐ญ๐ ๐๐๐ญ๐, ๐๐๐ฆ๐ข ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐!