๐๐ซ๐ข๐ ๐ ๐๐ซ ๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ : ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ฎ๐ฌ๐, ๐๐๐๐ญ๐ก
๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐ค, ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ฉ๐๐ก๐๐ฆ๐๐ค. Patay ang isang walong-taong gulang na batang lalaki matapos siyang bugbugin at ibagsak sa higaan ng kanyang lasing na ama sa Barangay Fatima, General Santos City noong January 23, 2024.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, lasing umano ang suspek nang umuwi sa bahay at hindi na alam ang kanyang ginawa sa kanyang anak. Nagtamo ng pasa at bali ang bata at naisugod pa sa ospital subalit binawian din ito ng buhay noong Huwebes ng madaling araw.
Base sa report ng GMA Regional TV ng One Mindanao, una umanong binugbog ng suspek ang bunso niyang anak na babae at isinunod naman ang walong-taong gulang nitong anak na lubos na napuruhan.
Kasalukuyang nakakulong na ang suspek at labis na pinagsisisihan ang kaniyang ginawa. Nahaharap sa kasong Serious Physical Injury dahil sa mabigat na paglabag sa RA 7610 at kasong Parricide ang suspek ayon kay Police Major Wesley Matillano.
Labis na kinukundena ng ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ ๐จ๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐๐ง (๐๐๐) ang ginawang karumaldumal ng suspek sa bata. Ang mga ganitong klase ng paglabag sa batas at karapatan ng bata ay hindi kailanman magiging tama at katanggap-tanggap. Kami po ay kaisa ng mga kakampi nating pulis sa Gensan City, Police Station 7 sa pagbibigay parusa sa suspek. Dapat lamang na harapin ng suspek ang mga kasong nakapatong sa kanya.
Tandaan po natin na ang alak, paglalasing, o kahit anuman pong bisyo ay walang magandang maidudulot na maganda sa buhay ng mga bata. Bagkus, ito ay maaring maging sanhi ng kanilang kapahamakan. Maging responsable po tayong mga magulang at bantay sa mga bata at palaging isa-isip at isa-buhay ang kanilang kaligtasan.
For any cases of violence against children, you may report it by calling Makabata Helpline 1383 or through messaging or calling at 09193541383 (Smart) / 09158022375 (Globe).
Reference: GMA Regional TV at https://www.youtube.com/watch?v=gEg5Bwi3t5I