๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐, ๐๐ข๐ฒ๐๐ค๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐!
Mahalagang mamulat nang maaga ang mga bata sa mga pagdiriwang sapagkat parte ito ng ๐ฆ๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ญ ๐ญ๐ซ๐๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ. Sa kabilang banda, may kaakibat din na kapahamakan sa mga bata ang mga malalaking pagdiriwang lalo na dahil sa maraming dumadagsang tao, ibat-ibang pagkain, at may mga mapagsamantalang indibidwal.
Ito po ay munting paalala lamang mula sa ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ ๐จ๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐๐ง upang matiyak ang kaligtasan at karapatan ng mga bata sa mga pagkakataong kayo ay dadalo sa mga pagdiriwang:
1. Huwag hayaang pumunta sa malalaking pagdiriwang ang mga bata mag-isa, siguraduhing sila ay may kasamang matanda.
2. Huwag makipagsiksikan sa maraming tao.
3. Siguraduhing protektado ang mga bata sa matinding init o pag-ulan, magbaon ng payong o sombrero at jacket tuwina.
4. Siguraduring kayo ay may bitbit na malinis at ligtas na inuming tubig.
5. Maging mapanuri sa mga pagkaing bibilhin at kakainin.
6. Maging alerto sa iyong paligid at โwag basta-bastang magtitiwala lalo na kung hindi mo kilala ang iyong katabi.
7. Sensitibo pa ang tainga ng mga bata kaya naman, mainam na โwag pumuwesto malapit sa mga malalaking speakers at โwag silang ibabad sa sobrang lakas na sounds.
8. Magdala ng simpleng first aid kit in case of emergency at alamin kung saan ang pinakamalapit na first aid booth/tent.
9. Makakatulong ang makulay na damit kung sakaling mawala ang bata sa iyong tabi.
10. Huwag kalimutang maging masaya at ipadama sa bata na mahalaga na masaksihan nila ang mga makasaysayang pagdiriwang.
๐๐๐ฌ๐ญ๐ ๐๐๐ญ๐, ๐๐๐ฒ๐จ ๐ฉ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐!