๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
12 November 2023
๐๐๐, ๐ง๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ซ๐๐ฆ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐๐ญ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐
Nakikiramay ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa pamilya ng mga naulila ng dalawang batang estudyante na namatay sa Signal Village National High School sa lungsod ng Taguig. Labis na ikinabahala rin ng CWC na mabalitaan na sila ay natagpuang pinawian ng buhay sa loob ng gusali ng Girl Scout Mini Office ng nasabing paaralan.
Kami ay kaisa sa punong lungsod ng Taguig, Mayor Lani Cayetano; sa Department of Education; mga magulang at kamag-aral sa layuning mapabilis ang pag-imbistiga at malaman ang dahilan ng kanilang pagkasawi upang ganap na maiwasan ang ganitong trahedya. Tulong-tulong po tayo โ gobyerno, kamag-aral at nang buong komunidad โ sa pagaruga ng kapakanan ng ating mga bata at sa pagsuporta sa kanilang mga pangangailangan tungo sa kanilang ganap na pag-unlad.
Akma sa tema ng kasalukuyang ginaganap na National Childrenโs Month, โHealthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for Allโ ang pagsubaybay sa pisikal at mental na kalusugan ng ating mga anak. Kaugnay dito, tayo po ay nananawagan bilang isang komunidad at isang bayan, na sama-samang tulungan ang ating mga anak sa kanilang mga pagsubok sa buhay.
Bukas po ang ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, sa mga nais dumulog ng tulong para sa mga bata. Sa anumang kaso ng pang-aabuso laban sa ating mga bata, tumawag or mag text sa Makabata Helpline 1383 o 09193541383 (Smart) / 09158022375 (Globe). Handa po ang aming mga lisensyadong social workers na pakinggan at tulungang mabigyan ng solusyon ang inyong mga sumbong at pangangailangan. Makakaasa po kayo sa tulong at suporta ng pamunuan ng CWC.
Muli, taus-pusong pakikiramay mula sa CWC.