๐‡๐„๐‘ ๐›๐จ๐๐ฒ ๐ข๐ฌ ๐‡๐„๐‘ ๐จ๐ฐ๐ง

Girls, ang inyong katawan ay inyong pag-aari, hindi ng inyong mga magulang, kaibigan, kaklase, o kung sino man. Kaya naman, ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ค๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ -๐๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง.

Girls, learn to say โ€œ๐๐Žโ€ kapag pakiramdam ninyong hindi kayo komportable. Samakatuwid, hindi dapat kayo pinipilit sa mga bagay na ayaw nyong gawin sa inyong katawan bagkus, kapag sinabi ninyong โ€œhindi ko gusto iyanโ€ o โ€œayaw ko nyanโ€, dapat kayo ay pakinggan.

Nararapat lamang na tanungin ka muna kung papayag ka ba o hindi sa mga gagawin, ibibigay, o ipadadama sa iyo. Gayun din, matutong humingi ng ๐ฉ๐š๐ก๐ข๐ง๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐จ ๐œ๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ง๐ญ sa lahat ng oras. Halimbawa, kung gusto mong yakapin ang iyong matalik na kaibigan dahil ikaw ay nagagalak, ikaw muna ay dapat magpaalam. Maaari mong sabihin na, โ€œKaibigan, maaari ba kitang yakapin?โ€ at kapag sinabi niyang hindi pwede, ito ay dapat mong ๐ข๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฉ๐ž๐ญ๐ฎ๐ก๐ข๐ง.

Ang lahat ng ito ay dapat ninyong pakatatandaan upang hindi kayo masaktan, mapilit, o maabuso ng mga tao sa inyong kapaligiran.

Kapag kayo ay nakaranas ng pang-aabuso o anumang porma ng karahasan ito man ay pisikal, emosyonal, sikolohikal, at iba pa, tumawag o mag-report sa ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐“๐€ ๐‡๐ž๐ฅ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐Ÿ๐Ÿ‘๐Ÿ–๐Ÿ‘.

#AbanteBatangBabaeLabanKarahasan

#YesToVioletNoToViolence

#GCW2024โ€