๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐‘๐„๐โ€™๐’ ๐‘๐ˆ๐†๐‡๐“๐’ ๐€๐‘๐„ ๐‡๐”๐Œ๐€๐ ๐‘๐ˆ๐†๐‡๐“๐’!

Ngayon ay ikinagagalak nating ipagdiwang ang ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ’๐Ÿ— ๐š๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐–๐ž๐ฅ๐Ÿ๐š๐ซ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง (๐‚๐–๐‚) na may temang โ€œ๐‚๐–๐‚ @ ๐Ÿ’๐Ÿ—: ๐๐ซ๐ž๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐ซ๐ข๐ž๐ซ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐€๐œ๐ก๐ข๐ž๐ฏ๐ž๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐ž๐š๐ค๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐งโ€.

Sa kabila ng mga hinarap at kinakaharap nating pagsubok at mga hamon sa ating paglilingkod, kasama na ang pandemya, nananatiling matatag ang CWC sa pagbibigay kalinga at proteksyon sa mga bata. Gayun din, mas naging maigting ang ating pagkakaisa upang itaguyod ang isang makabata, maunlad, at masaganang Pilipinas na handang tumugon sa kahit anumang suliraning kinakaharap ng mga batang ating pinaglilingkuran.

Kasabay ng selebrasyon ng ika-49 na taon nating tagumpay, ay ang ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ•๐Ÿ“ ๐š๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ฅ ๐ƒ๐ž๐œ๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ฎ๐ฆ๐š๐ง ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ (๐”๐ƒ๐‡๐‘) na nagbibigay katuturan sa mga karapatan ng bawat nilalang anuman ang kanyang lahi, relihiyon, kasarian, wika, o katayuan sa buhay.

Ang UDHR ay naisakatuparan at naipahayag noong ๐Ÿ๐ŸŽ ๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ’๐Ÿ– ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ na may layuning mabigyan ng pandaigdigang proteksyon ang mga karapatan ng bawat isa. Ito rin ang siyang nagbigay daan upang maganap ang ๐”๐ง๐ข๐ญ๐ž๐ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐ (๐”๐๐‚๐‘๐‚) na nagpatibay sa mga karapatang dapat matamasa ng mga bata at patuloy na bumubuklod sa CWC at mga kasama nitong kumakalinga sa mga bata upang mas bigyang diin pa natin ang ating mga panawagan upang isulong at isabatas na ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga bata.

Apatnapuโ€™t-siyam na nating pinaglilingkuran ang mga bata alinsunod sa UNCRC kung saan nararapat lamang na pahalagahan at gawing prayoridad ang mga karapatan ng bata sa ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ, ๐๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง.

Apatnapuโ€™t-siyam na nating ipinagmamalaki at nilalapat sa aksyon ang linyang, โ€œ๐๐€๐’๐“๐€ ๐๐€๐“๐€, ๐Š๐€๐Œ๐ˆ ๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐‹๐€!โ€

#CWCat49

#BastaBataKamiAngBahala

#ParaSaBata

#HumanRightsDay