𝐀𝐛𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞: 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚𝐬𝐚𝐧!

Sa ngiti ng mga bata, damang-dama ang pag-asa ng isang makabatang bansa.

Kailanma’y hindi mapapagod at magsasawang kayo ay pagsilbihan, unahin, at mahalin.

Matagumpay na nagsagawa ang 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐖𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞 𝐨𝐟 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧 (𝐂𝐖𝐂) ng isang 𝐀𝐑𝐓𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡 program sa 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐎𝐫𝐭𝐡𝐨𝐩𝐞𝐝𝐢𝐜 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 bilang bahagi ng 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐆𝐢𝐫𝐥 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, katuwang ang 𝐊𝐲𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, kasama ang mga 𝐛𝐚𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠/𝐭𝐚𝐠𝐚𝐛𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲, 20 March 2024.

Ang CWC ay lubos na nagpapasalamat sa mga bata, magulang, guardians, Philippine Orthopedic Center, at Kythe Foundation sa inyong aktibo at puso sa pusong pakikilahok sa programang ito. Damang-dama namin ang inyong mga kwento at pagmamahal sa bawat batang Pilipino.

Mas naging mulat ang mga kawani ng CWC sa sitwasyon ng mga bata at mga isyung kanilang kinakaharap, kabilang na ang pisikal at mental na kalusugan, dahilan upang mas palakasin pa ang ating mga programa at polisiyang makabata at suportahan ang pagkakaroon ng isang 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧.

Sa pamamagitan din nito, ang CWC ay nakapagbigay ng munting mga art materials at regalo. Nagkaroon din ang CWC ng pagkakataong maipaalala sa mga bata at magulang/tagabantay ang mga karapatan ng bata sa paaralan, tahanan, komunidad, kalusugan, at sa iba pang larangan. Layunin nito na makapagbigay saya sa mga bata sa kabila ng kanilang kinakaharap na pagsubok at mapataas ang antas ng kaalaman ng bawat isa na ang bawat bata ay natatangi, may karapatan, at nararapat lamang proteksyonan.

𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚, 𝐓𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚!

#AbanteBatangBabaeLabanKarahasan

#YestoVioletNoToViolence

#2024GCW

#ParaSaBata