ππ‘π¦ππππ§π¦ ππ₯π’π π’π¨π₯ π ππππππ§π π§πππ-π₯πππ¬π’ ππ£ππ¦π’ππ #π―π¬
Sa episode na ito, nakasama natin si Asec. Glenda “Ate Glenda” Relova, na Executive Director III ng National Council on Disability Affairs. Ang organisasyon na ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa pagbibigay ng suporta, rehabilitasyon at pagkakapantay-pantay ng mga oportunidad para sa mga Pilipinong may kapansanan.
Tinalakay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pagsuporta sa mga batang may kapansanan. Pinagusapan natin ang ibaβt ibang klase ng kapansanan, ang mga angkop na paraan ng pag-suporta, at ang papel ng bawat stakeholder upang makamit ng mga batang may kapansanan ang kanilang mga pangarap.
Krusyal na ma-assess sa pinakamaagang panahon ang mga batang may kapansanan upang sila ay mabigyan ng angkop na suporta na makakatulong sa kanilang paglaki bilang produktibong miyembro ng lipunan.
Magkakasama ang ibaβt ibang ahensya at ang mga LGU sa mga inisyatibo na magtaas ng kaalaman at tugunan ang mga pangangailangan ng mga bata at lahat ng Pilipinong may kapansanan.
Maraming salamat sa inyong pakikinig at panonood ng Makabata Tele-Radyo Episode 30 sa Radyo Pilipinas 3.
Abangan ang mga susunod na kwento at impormasyon na ihahatid namin para sa inyo. Kita kits ulit next week, Monday, 4:00PM – 6:00PM!
Huwag kalimutang i-follow ang aming page para sa mga updates at karagdagang impormasyon tungkol sa mga hakbang ng CWC para suportahan ang adbokasiya para sa pagsuporta sa mga batang may kapansanan.
πππ¬ππ ππππ, πππ¦π’ ππ§π πππ‘ππ₯π!