










𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦𝗖𝗢𝗡: 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗗𝗢𝗟𝗘𝗦𝗖𝗘𝗡𝗧 𝗣𝗥𝗘𝗚𝗡𝗔𝗡𝗖𝗬 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗕𝗜𝗟𝗟
𝐒𝐲𝐝𝐧𝐞𝐲: (𝐀𝐝𝐨𝐥𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐀𝐝𝐯𝐨𝐜𝐚𝐭𝐞) “𝐀𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐱𝐮𝐚𝐥 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐛𝐚𝐬𝐭𝐨𝐬!”
Mga salitang nagmula sa isang kabataan na katuwang ng iba’t ibang sektor na nagsusulong na maisabatas ang panukalang Adolescents Pregnancy Prevention Bill.
Sama-samang tinig na nagmula sa iba’t ibang sektor at ahensya ng gobyerno kabilang ang mga adolescent advocates na katuwang sa panawagang maisulong ang mag-iisang taon nang panukalang batas.
Dinaluhan ito ng ilang ahensya kabilang ang Commission on Population & Development, Department of Education (DepEd), Council for the Welfare of Children (CWC), Philippine Legislative Committee on Population & Development (PLCPD) at Family Planning Organization of the Philippines (PLC – FPOP), mga kabataan, at ilang media networks na magsisilbing tulay upang maipahayag at maipaabot sa ating mga mambabatas ang kahalagahan ng mabilisang pagpapasa ng batas na ito.
Ang nakakabahalang pagtaas ng datos na naiitala sa sunod na ilang taon at ang pabatang edad ng nabubuntis at nagiging batang ina, ang naging hudyat upang maigting na isulong ng iba’t ibang sektor ang panukalang batas na ito.
Ang Press Conference na ito ay inisyatibo ng sumusunod na Non-Governmental Organizations (NGOs) kabilang ang Save the Children, OXFAM, Young Feminist Collective, SHE – Sexual Health & Empowerment
Ang sama-samang tinig mula sa multi-sectoral at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang magiging daan sa isang maayos at ligtas ng pamayanan para sa mga kabataan!
Basta Bata, Kami ang Bahala!
