



𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | Nakiisa si Undersecretary Angelo M. Tapales – Council for the Welfare of Children sa paggunita ng 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐫 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐞𝐭 𝐃𝐚𝐲 2024 ngayong araw, ika-6 Pebrero 2024. Binigyang diin ni Usec. Tapales ang patuloy na pagtaas ng kaso ng 𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐞𝐱𝐮𝐚𝐥 𝐀𝐛𝐮𝐬𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐱𝐩𝐥𝐨𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧 (𝐎𝐒𝐀𝐄𝐂) at paglaganap ng 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐒𝐞𝐱𝐮𝐚𝐥 𝐀𝐛𝐮𝐬𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐱𝐩𝐥𝐨𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐫𝐢𝐚𝐥𝐬 sa bansa. Kaniya ring binanggit ang bagong hamong kinahaharap sa laban ng pagbibigay proteksiyon sa mga bata, ang 𝐀𝐈 𝐠𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐒𝐀𝐄𝐌.
Isang panawagan ang kaniyang iniwan sa lahat ng dumalo na maging mapagmanman at ipaalam ang mga nalalamang paglabag sa 𝐑.𝐀. 11930 𝐨 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐎𝐒𝐀𝐄𝐂 𝐚𝐭 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐂𝐒𝐀𝐄𝐌 𝐀𝐜𝐭 sa Makabata Helpline 1383 at mga kinauukulan. Ang pamahalaan ay kakampi natin sa pagsulong ng karapatan ng mga bata.
