



𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 | Patuloy na pinagtitibay ng Council for the Welfare of Children – Makabata Helpline ang pakikipag-ugnayan nito sa iba’t ibang Pamahalaang Lokal sa kalakhang Maynila upang siguraduhin na mabibigyan ng proteksyon at agarang tugon ang lahat ng mga bata at kabataang nasa gitna ng pang-aabuso, pananakit at pananamantala.
Isang taos-pusong pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Makati sa pamumuno ng mahal na puno ng lungsod, Mayor Abby Binay, kay Bb. Benita C. Tanyag-Acting City Gov’t . Asst. Dept. Head II ng Makati Department of Social Welfare, at Undersecretary Angelo M. Tapales – Council for the Welfare of Children.
Ang paglagda ng 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐨𝐟 𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 ay sinaksihan din ng ilang kawani ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐭𝐢 at ng 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀 𝐇𝐞𝐥𝐩𝐥𝐢𝐧𝐞 1383.
Muli isang makabatang pasasalamat!#BastaBataKamiAngBahala
