#SIDPh 2025: Digital Bayanihan, para sa Kabataang Ligtas at Protektado Online!
Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, lahat tayo may papel sa pagpapanatili ng ligtas na digital na mundo para sa kabataan! Kaisa ang NCC-OSAEC-CSAEM, ating pinagdiriwang ang Safer Internet Day 2025!
Paano tayo makakaisa sa Digital Bayanihan?
Maging responsable sa paggamit ng internet – Iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon at sensitibong content.
Gabayan ang kabataan – Ituro ang tamang paggamit ng internet at paano iwasan ang cyberbullying, sextortion, at online exploitation.
Iulat at labanan ang abuso – Kung may nakikitang mapang-abuso na aktibidad online tulad ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), i-report ito agad sa tamang ahensya.
Palakasin ang digital literacy – Turuan ang mga bata ng online safety practices upang mapanatili silang ligtas sa internet.
Panoorin ang video na ito mula sa Stairway Foundation at alamin kung paano natin maisasabuhay ang Digital Bayanihan upang protektahan ang ating kabataan!
Sama-sama nating gawing ligtas at positibo ang internet para sa lahat!
#digitalbayanihanparasakabataan
#sidph2025
#SafeInternet4Kids
Kung may nais kang ireport na mga insidente ng OSAEC, tumawag lang sa Makabata Helpline 1383