cwc logo

Write a comment

 

KabataanSaPandemya 1

 

Hinirit sa mga ahensiya ng pamahalaan ng Council for the Welfare of Children (CWC) na bigyang prayoridad ang pagkakaloob ng stress management program sa mga kabataan.

Ito ay bilang pag harap nila sa mga negatibong epekto ng pandemya at pagpasok sa new normal.

Ayon ky Usec. Mary Mitzi Cajayon-Uy, Executive Director ng CWC sa Talakayang Makabata Digital Press Conference, habang pinapayagan nang lumabas ang mga bata na nasa 15-18 anyos, dapat ding pagtibayin ng LGUS and inisyatibo at programa para matiyak ang patuloy na suporta sa pisikal, emosyonal, espiritwal at pangangailangan kaisipan ng mga bata sa panahong kumakat ang coronavirus.

"Kung tayong mga nakakatanda ay nai-stress dulot ng pandemya, ang mga bata ay nakakaranas ng higit na stress at pagkabalisa. Ang mga alintuntunin ay dapat na maisaayos at mabalangkas sa oras na payagan na silang lumabas." pahayag ni Uy.

Ang Talakayang Makabata ay unang digital conference sa panguguna ng CWC upang pasimulan ang ligtas at malawakang pagdiriwang ng National Children's Month 2020 para sa pagtataguyod ng karapatan ng mga bata sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Uy, ang mga social workers at iba pang propesyonal at paraprofessionals, pinuno ng mga Local Council for the Protection of Children/Barangay Council for the Protection of Children, ay nagsisilbing frontliners na nagtatanggol sa mga bata laban sa pang-aabuso at nagpapatupad ng kaukulang intervention.

Sa talakayan, lumalabas na lumala ang mental health isyu ng mga bata dulot ng COVID-19 pandemic, ang malawakang quarantine sa buong bansa at ang pagbabawal sa mga bata na lumabas ng tahanan.

Nitong Agosto lamang, may 12,197 ang kabuuang bilang ng mga batang tinamaan ng COVID-19 at higit sa kalahati nito ay gumaling na. May 30 hanggang 35 naman ang tawag araw-araw sa crisis hotline ng National Center for Mental Health mula Marso hanggang Mayo 2020, na may average na 953 at karamihan sa mga tawag ay nauugnay sa pagkabalisa, paghahanap ng referral as isang psychiatrist, at pagtatanong tungkol sa mga serbisyo ng ospital.

BIlang pangunahing sangay ng pamahalaan para sa mga bata, nangako ang CWC na higit pang paiigtingin ang pagtaguyod sa proteksyon ng lahat ng mga bata at kanilang mga karapatan, bigyan ng kapangyarihan na protektahan ang kanilang sarili at iulat ang karanasan sa pang-aabuso, magbigay ng praktikal na suporta sa mga magulang at tagapag-alaga at gagabayan ang LGUs upang mas mahusay nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagharap sa panahon ng pandemya.

 


 References: https://tonite.abante.com.ph/kabataan-na-balisa-sa-pandemya-pinatutukan-ng-cwc/?fbclid=IwAR3j4-U8s68VynSPMwpHelDmI1ikVcuUr3sFoOogenksApPEq_woPKGyKr0

Say something here...
Cancel
Log in with ( Sign Up ? )
or post as a guest
Loading comment... The comment will be refreshed after 00:00.

Be the first to comment.