



Bilang bahagi ng kampanya laban sa child sexual abuse at paggunita ng 2025 Child Sexual Abuse Awareness Week or CSAAW, ibinahagi ni Undersecretary Angelo M. Tapales ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang mga hakbang ng pamahalaan katuwang ang kanilang ahensya sa pagpapaigting ng mga programa upang maproteksyunan ang mga kabataan.
Aniya, bahagi ng suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kampanyang ito ay ang paglunsad ng MAhalin at KAlingain ang mga Bata o MAKABATA program noong nakaraang taon.
Inanyayahan ni Usec. Tapales ang bawat isa na maging bahagi — “Maging Solusyon, Labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children.”
#CWC #CSAAW #ChildAbuse #PIA #PIAPresscon #BagongPilipinas