Bilang pakikiisa sa paggunita ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) noong November 25-December 12,2025 ay nagsagawa ang Council for the Welfare of Children – GAD Focal Point System (CWC – GFPS) ng iba’t ibang gawain na naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga kawani tungkol sa adbokasiya laban sa karahasan at gender-based violence (GBV). Kabilang dito ang isang Poetry Writing Contest na nagsilbing malikhaing plataporma upang maipahayag ang suporta sa kampanya.

Bagama’t apat (4) lamang ang lumahok sa patimpalak, naging makabuluhan at makulay ang kompetisyon dahil sa lalim at husay ng bawat kalahok sa pagpapahayag ng diwa ng 18-Day Campaign sa pamamagitan ng tula.  Narito ang mga nagwagi:

Unang Gantimpala

 “She-He-They-Them” ni Geromaine Mandia, Planning Officer I – Policy, Planning and Research Division

 Ikalawang Gantimpala: 

 “Sa Banig ng Alon, Ako’y Babangon” ni Rosel Cornel, Administrative Assistant II – Public Affairs and Information Office

Ikatlong Gantimpala: “Ningning na Di Magmamaliw” ni Grendalyn Durin-Cachuela, Administrative Assistant II – Office of the Executive Director

Consolation Prize: “Break the Silence, End Violence” ni Edgar Movilla, Planning Officer II – Localization and Institutionalization Division

Ang mga hurado ng patimpalak ay sina Marites Rogado, isang awtor, makata, kuwentista, pintor at independent publisher. Siya ay kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) at KATAGA Samahan ng Manunulat sa Pilipinas; at si Daryl Leyes, Project Coordinator ng PKKK at isang alagad ng sining na isang manunula at pintor.

Ang 18-Day Campaign ay nakaayon sa pandaigdigang kampanya na “16 Days of Activism Against Gender-Based Violence.” Ito ay isinabatas sa pamamagitan ng Republic Act No. 10398, na nagpalawig ng kampanya mula 16 hanggang 18 araw upang maisama ang paggunita tuwing Disyembre 12 bilang International Day Against Trafficking.