π™†π™žπ™€π™£π™œ π™ƒπ™šπ™š 𝙃π™ͺ𝙖𝙩 π™π™¨π™–π™ž! Isang masaganang bagong taon ngayong Year of the Wooden Snake!

Alam niyo bang may iba’t-ibang Chinese New Year greetings tayong madalas makita o marinig dito sa Pilipinas? Ang karaniwang mga pagbati ay ang Kiong Hee Huat Tsai (Hokkien), Kung Hei Fat Choi (Cantonese), at Gong Xi Fa Cai (Mandarin).

Sa ating episode, sinilip natin ang paghahanda ng mga Pilipino, lalo na ng mga Tsinoy, sa Binondo, Maynilaβ€”ang pinakamatandang Chinatown sa mundo!

Sa bisperas ng Lunar New Year, dagsa ang tao sa Binondo para mag-food trip at mamili ng pampaswerte tulad ng lucky charms, dekorasyon, bilog na prutas, tikoy, at kiat-kiat tree na sinasabing nagdadala ng suwerte. Makikita rin ang makulay na dragon at lion dance sa ilang establisyemento para sa masaganang negosyo.

Bumisita rin kami sa Seng Guan Temple, isa sa pinakamalaking Buddhist temples sa Maynila, kung saan mataimtim na nananalangin at nagsisindi ng insenso ang mga deboto.

Kasabay ng pagdiriwang, isinagawa rin ang Prosperity Tree Lighting noong Enero 24, at isang grand parade noong Enero 29 mula sa Post Office hanggang Chinatown.

Taon-taon, masayang binabalikan ng Filipino-Chinese at ng ibang Pilipino ang makulay na pagdiriwang ng Lunar New Year. Mahalaga itong ipakilala sa mga bata upang mapanatili ang yaman ng ating kultura at tradisyon.

#CeldrensNews
#CeldrensNewsMTR
#MakabataTeleRadyo