𝗜𝗡𝗦𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗢𝗨𝗥 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗧𝗘𝗟𝗘-𝗥𝗔𝗗𝗬𝗢 𝗘𝗣𝗜𝗦𝗢𝗗𝗘 #𝟱𝟯

💚 Sa episode nitong January 20, 2025 ay napalalim natin ang ating kaalaman at pang-unawa sa 𝐀𝐮𝐭𝐢𝐬𝐦 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐭𝐫𝐮𝐦 𝐃𝐢𝐬𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐨 𝐀𝐒𝐃.

Ang ASD ay isang developmental disability na nagdudulot ng pagbabago sa kung paano makitungo o makisalamuha sa iba.

🟢 Nakasama natin sa episode na ito si 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐆𝐥𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐑𝐞𝐥𝐨𝐯𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐨𝐧 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐭𝐢 𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐢 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐋𝐨𝐫𝐞𝐧𝐳𝐨 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝐒𝐮𝐦𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐈𝐈𝐈 𝐨 𝐊𝐮𝐲𝐚 𝐋𝐉 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐮𝐭𝐢𝐬𝐦 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬. Kaugnay nito, ngayong ikatlong linggo ng Enero ay ginugunita natin ang Autism Consciousness Week na may temang “𝙋𝙖𝙜-𝙖𝙣𝙜𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙇𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜𝙨𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙥𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙒𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙉𝙖𝙞𝙞𝙬𝙖𝙣.”

👶🏻👦🏻 Nabatid natin na mapapansin ang autism sa pagkabata o di kaya’y maaari ring lumabas ito kinalaunan habang ang isang tao ay lumalaki. Hindi pa rin madali matukoy sa ngayon ang sanhi ng autism ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay maobserbahan ang mga bata sa kanyang murang edad pa lamang kung siya ay nagpapakita na ng mga senyales nito.

✅ Ang early detection ng autism ay makakatulong para makatanggap ng early treatment ang mga tao, lalo na ang mga batang nakakaranas nito.

Maraming salamat sa inyong pakikinig at panonood ng Makabata Tele-Radyo Episode #52 sa Radyo Magasin 1278 kHz AM. 📻🎙️💙
Kita kits ulit next week, Monday, 4:00PM – 6:00PM!

Huwag kalimutang i-follow ang aming page para sa mga updates at karagdagang impormasyon tungkol sa mga hakbang ng CWC para suportahan ang mga bata at ng kanilang mga pamilya.

𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚, 𝐊𝐚𝐦𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚!
#MakabataTeleRadyo
#ParaSaBata