𝗜𝗡𝗦𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗢𝗨𝗥 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗧𝗘𝗟𝗘-𝗥𝗔𝗗𝗬𝗢 𝗘𝗣𝗜𝗦𝗢𝗗𝗘 #𝟱𝟰
📞 Tampok sa ating episode nitong January 27, 2025 ang Executive Order No. 79 na nagtatatag ng 𝐌𝐀𝐡𝐚𝐥𝐢𝐧, 𝐊𝐀𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐢𝐧 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐀𝐓𝐀 (𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀) 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀 𝐇𝐞𝐥𝐩𝐥𝐢𝐧𝐞 𝟏𝟑𝟖𝟑.
Mas masinsinan natin inalam ang nilalaman ng naturang Executive Order kasama si 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗘𝗺𝗺𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗴𝗹𝗶𝗽𝗮𝘆 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗿 o “𝗔𝘁𝗲 𝗘𝗺” ang Undersecretary ng International Affairs, and Attached and Supervised Agencies ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
📲 Kung matatandaan, noong November 03, 2022 ay inilunsad ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang MAKABATA Helpline 1383 bilang referral mechanism para magreport ng anumang paglabag sa karapatan ng mga bata.
Kaugnay nito, pinapalakas ng Executive Order ang pagkakaroon ng isang centralized system sa pagreport at pag-access ng samu’t-saring government assistance na kinakailangan sa tulong ng DSWD.
🤝🏼 Naipaliwang din na ang MAKABATA Program ay magiging one-stop system para tugunan at subaybayan ang lahat ng isyu patungkol sa children in need of special protection (CNSPs) sa ilalim ng DSWD. Kalakip nito ang mga components tulad ng Reporting, Rescue and Relief, Rehabilitation, at Reintegration.
☎️ Ang Makabata Helpline 1383 naman, bilang isang centralized reporting system para sa lahat ng CNSP concerns, ay patuloy na pamamahalaan ng CWC. Ito ay inaashang magkaroon ng 24/7 operational hours para tumugon sa mga sumbong at anumang kinakailangang impormasyon tungkol sa mga concerns para sa bata.
Maraming salamat sa inyong pakikinig at panonood ng Makabata Tele-Radyo Episode #54 sa Radyo Magasin 1278 kHz AM. 📻🎙️💙
Kita kits ulit next week, Monday, 4:00PM – 6:00PM!
Huwag kalimutang i-follow ang aming page para sa mga updates at karagdagang impormasyon tungkol sa mga hakbang ng CWC para suportahan ang mga bata at ng kanilang mga pamilya.
𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚, 𝐊𝐚𝐦𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚!
#MakabataTeleRadyo
#ParaSaBata







