πππππ πππππππππ
πππππππ ππ πππππππ π
ππ πππ ππππ
πππ ππ
ππππππππ (πππ) πππ-πππππππππ ππ πππ ππππππππππ πππ ππππ
πππ ππ
ππππππππ ππ ππππππ ππππππππππ (ππ-ππππ’ππ) πππππππ ππ πππππ ππ πππππ ππ πππππ ππππ ππ ππππππππ πππππ ππ πππππ ππππππππππ πππππππππππππ
Ang Council for the Welfare of Children (CWC) – Sub-Committee on the Protection and Welfare of Children in Street Situations (SC-PWCiSS) ay nagpahayag ng seryosong pag-aalala ukol sa viral na video kung saan makikita ang isang batang nagbebenta ng sampaguita na itinulak at kinuha ang dala nitong paninda ng isang security guard sa isang commercial establishment. Sa video, makikita rin ang tangkang pagsipa ng security guard sa bata. Ang ganitong aksyon ay tahasang banta sa karapatan at dignidad ng mga Children in Street Situation (CiSS).
Ayon sa General Comment No. 21 ng United Nations Committee on the Rights of the Child, ang mga Children in Street Situations ay umaasa sa lansangan para sa kanilang kabuhayan at pang-araw-araw na gawain, mag-isa man, kasama ang kaibigan, o pamilya. Kasama rin dito ang mga batang hindi man naninirahan o nagtatrabaho sa lansangan ngunit nakikilahok sa mga aktibidad na may kaugnayan dito.
Ang mga batang nasa lansangan at ang kanilang mga pamilya ay biktima ng kahirapan at kakulangan ng oportunidad. Walang batang pipiliing manirahan o magtrabaho sa lansangan, ngunit napipilitan silang harapin ang panganib dahil sa matinding hirap at pangangailangan.
Kinokomenda ng CWC ang aksyon ng pamunuan ng commercial establishment sa pagsisiyasat ng insidente. Hinihikayat natin ang lahat na pampribadong establishimyento na ilakip sa kanilang mga trainings, pagsasanay at polisiya ang tamang pagrespeto at pagtatrato sa mga bata, lalung-lalo na ang mga children street vendors. Handa ang SC-PWCiSS na makipagtulungan sa pribadong sektor sa pagtataguyod ng mga patakaran at pagsasanay sa pagkilala at pagrespeto sa mga karapatang pambata.
Ang SC-PWCiSS ay nananatiling nakatuon sa pagsusulong ng mga patakaran at programang magtataguyod sa karapatan ng mga batang nasa lansangan. Sa pamamagitan ng Philippine National Multi-Sectoral Strategic Plan on Children in Street Situations (PNMSSP-CiSS), layon naming lumikha ng kapaligirang nagtataguyod sa kanilang karapatan at naggagarantiya ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat bata.
“Kailanman, hindi maituturing na tahanan ang lansangan. Tamang pagkalinga ang kinakailangan.”
Ang pahayag na ito ay inihanda ng SC-PWCiSS sa pamumuno ng Council for the Welfare of Children at Asmae Philippines.
Basta Bata, Kami ang Bahala!