ππ€π‡π€π˜π€π† 𝐍𝐆 π‚πŽπ”ππ‚πˆπ‹ π…πŽπ‘ 𝐓𝐇𝐄 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄 πŽπ… π‚π‡πˆπ‹πƒπ‘π„π 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐆𝐀𝐇𝐀𝐒𝐀 𝐒𝐀 πŸ’-π€ππ˜πŽπ’ 𝐍𝐀 πŠπ€π€ππ€πŠ 𝐒𝐀 πŒπ€ππˆπ‹π€

Kamakailan lamang ay inaresto ang isang 43-anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang 4-taong-gulang na anak ng kanyang pamangkin sa Manila. Pagkatapos makumpirma ng mga magulang ng biktima ang insidente, agarang pinaospital ang bata at sinumbong sa pulisya ang krimen.

Ang panghahalay sa bata na wala pang 7-taong-gulang ay qualified rape na mahigpit na ipinagbabawal ng Art. 266-B ng Revised Penal Code. Ayon sa probisyon na ito, ang qualified rape ay may parusa ng reclusion perpetua o pagkulong ng 20 na taon at isang araw hanggang 40 na taon.

Nananawagan ang CWC sa mga magulang at tagapag-alaga na maging alerto sa mga senyales ng pang-aabuso at gabayan nang maigi ang kanilang mga anak upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan laban sa kanila.

Sa pagpasa ng Executive Order No. 79 s. 2024, pinapalakas ng CWC ang pagtaguyod sa MAKABATA Helpline 1383 bilang pangunahing suporta para sa proteksyon ng ating kabataan. Ang CWC ay patuloy na nagmamasid at nakikipagtulungan sa mga kinauukulan upang matiyak na ang mga bata ay ligtas laban sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan. Kung may paglabag sa mga karapatan ng bata, magsumbong sa MAKABATA Helpline 1383.

Ang MAKABATA Helpline 1383 ay maaaring lapitan ng sinuman upang iulat ang anumang uri ng pang-aabuso:
● Helpline Number: 1383
● Smart: 09193541383
● Globe: 09158022375
● Email: makabatahelpline@cwc.gov.ph
● Social Media: @MAKABATA_helpline
● β€œClick to Call” Feature: CWC Website
● DICT eGov Super App